Nagising ako ng napakagandang sikat ng araw, alas singko kise na ng umaga ngunit ang araw ay tanaw mo na. Habang pinag-iisipan ko pa kung babangon ako o hindi ay biglang may dumorbell sa tinutuluyan namin na "residential suite". Pinag-isipan kong buksan baka lang ako nag-hahalucinnate, sabay takbo ng mabilis mula kwarto papunta ng pinto, pagkabukas ko ay si JR pala.
Tinanong ko sya, "Bakit?, ang aga pa?". Sagot nya, "Diba kukunan natin ng shot ang sunrise?".
Ang sinagot ko naman ay, "huh? diba cancelled na?, baka kasi di pumayag mga bureau managers natin!".
"Sabi mo kasi pupunta ka kahit hindi sila pumayag eh", ang sagot naman nya.
"Ah ganun ba, di pa ako prepared e, kagigising ko lang!", ang sagot ko naman.
Sabay na pagsulpot ni ate astrid sa usapan. "Bakit? Aga pa ah!"
"Wala po, nambibisita lang si JR", ang wika ko sabay paalam sa kanya.
at sa ganitong pagkakataon, dyan na ako nagising ng tuluyan.. di ako nag-hahallucinate.. hahahaha.. sabay balik sa kwarto habang tinatanaw ang sikat ng araw.
Tinanaw ko ang halos buong Ortigas Area at tanaw ang kalakhang Maynila ng may kasiyahan at unting pagsesenti hehehe.. first time mo ba naman na matanaw ang overview ng Ortigas at Metro Manila at may kasamang sunrise pa, nasa 14th floor (na supposed to be 13th floor yun na nilabelan ng 14th floor, ahaha what aa stupid idea!) kasi ako ng Astoria Plaza Hotel kaya kita ko ang Ortigas hehehe. Grabe, eto yung isa sa di ko makakalimutan sa Astoria.. Isip isip ko lang ang sarap ganito, ang ganda ng gising mo kahit kulang ang tulog dahil sa paligid na nakikita mo. hehehe... ndi gaya sa bahay, bunganga ang salubong sakin ng nanay ko kahit tanghali na ang gising ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagising narin si Jessica at niyaya ko ng lumabas ng kwarto para mag-liwaliw at nagdesisyon kaming pumunta sa kwarto nila danz
Friday, 12 May 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)